HOW TO CHANGE BILLING ACCOUNT NAME
Go to PRESCO OFFICE and submit any of the following:
​
-
DEATH CERTIFICATE ng may-ari ng account kung ito ay patay na;
-
DEED OF SALE kung nabili ang bahay;
-
Notarized AFFIDAVIT ng may-ari ng account kung kusa niyang ipinapangalan ang metro sa kaninuman;
-
BARANGAY CERTIFICATE kung hindi makapagbigay alin man sa mga itaas; at
-
VALID ID ng taong nag-aaply kung kanino ipapangalan ang account ng kontador.
Petsa
Account Name
Account Number
Understanding your Bill
GENERATION CHARGE - Ito ay sa halaga ng kuryente na binili ng PRESCO sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang bayad ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) o Masinloc Power Partners Co. Ltd (MPPCL)
TRANSMISSION CHARGE - Ito ay bayad para sa pagdeliver ng kuryente mula sa Generating Plant ng NPC papunta sa Substations ng PRESCO, ang bayad ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
SYSTEM LOSS CHARGE - Ito ay halaga ng nawalang kuryente dahil sa Technical at Non- Technical Losses na itinakda ng Republic Act 9136 na kokolektahin na hindi hhigit sa 13%.
DISTRIBUTION CHARGE - Ito ay para sa halaga ng pagtayo,pag-operate at pag-maintain ng mga pasilidad ng linya ng residential areas o mga bahay, commercials, idustrials, irrigation, public buildings at street light consumers.
SUPPLY CHARGE - Ito ay para sa serbisyo sa mga customer gaya ng pag-kwenta ng babayaran sa kuryente, pagkolekta, customer assistance, at iba pa.
METERING CHARGE - Ito po ay ang halaga, pagbabasa, operasyon at pag-papanataling magandang kondisyon ng mga metro ng kuryente.
Universal CHARGE - Ito po ay binubuo ng Missionary Electrification, Environmental Charges at iba pa na napupunta sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ayon sa itinakda ng Republic Act 9136.
Takdang Petsa
EVAT - Expanded Value Added Tax